Saturday, September 25, 2010

Patintero



Ang Top 4 na nagustuhan kong laro ay ang Patintero.

Nilagay ko ito sa pang-apat na pwesto lang dahil masyado na siya common para sa akin. Ngunit hindi pa rin maaalis na isa talaga ito sa mga pinakapaborito ko noon pa man. Natatandaan ko tuloy yung panahon na nilalaro namin to sa grounds ng school namin ng mga kaklase ko. Kaya naman tuwang-tuwa ako ng nalaman ko na lalaruin namin yun.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako masyadong gumaling sa larong ito. Dati naman lagi akong naglalaro nito. Siguro dahil mas malaki yung playing area saka mas marami kami. Pero kahit na ganun sobrang nagenjoy ako. Kahit isa o dalawa nakataya ako. Nung turn na namin para maglaro sobrang nagulat ako kay Peter dahil para siyang kabuteng bigla na lang sumulpot hindi pa man ako nakakausad. Talagang napatili ako dahil hindi ko naisip na tatayain niya ako. Siguro sa sobrang excited hindi ko na napansin yung patotot. Umusad ng umusad ang laro nang siya at siya pa rin ang tumataya sakin. Ni hindi ako makalagpas sa pangalawang box. Excited na akong ituloy tong laro namen sa Tuesday nang makabawi ako. Lalayo na talaga ako kay Peter.

Napansin ko sa iba kong mga kaklase na parang hindi sila sanay maglaro ng Patintero. May iba naman na parang araw-araw ginagawa yun katulad ni Peter ulet. Siyempre. Pero ang importante lahat kami masaya. Tuwing may matataya magtatawanan lang kami.

Kung ako ang masusunod ang gagawin kong variation ay babawasan ko ang mga nananaya, linya, at dami nang naglalaro para naman maexperience naman namin makarating sa dulo.

Sino kaya ang varsity ko sa larong ito?

Malamang si Peter. Eh mukhang part-time ni Peter ang maglaro ng patintero pag gabi. Hahaha. Ang hahaba din ng mga galamay niya na parang pinaglihi siya sa pugita. Nakakatakot tuloy magtangkang dumaan malapit sa kanya dahil baka any moment tayain ka niya. Mas mabuti pang tumira sa loob nung box.

Bibigyan ko ng Game ni Peter Special Awards ang larong ito. Hindi ko talaga makakalimutan ang game na to dahil sa kanya. :)









No comments:

Post a Comment