Saturday, September 25, 2010

Gu-long


At siyempre and Top 1 sa listahan ko, ang Gu-long.

Sobrang halu-halong emosyon ang pakiramdam ang naranasan ko rito. Hindi matatwaran yung sakit ng tiyan na naranasan ko kakatawa. Sobrang nakakatawa panoorin maglaro yung kabilang grupo lalo pa't nakahilata sila lahat sa arawan. Saka pag mga lalaki yung gumugulong kawawa yung itsura nung mga babaeng ginugulungan. Kaya lang katulad nung sinabi nung isa kong kaklase nakakatuwa lang pag pinapanood pero pag ikaw na yung andun mahirap pala.

Katulad na lang sakin. Akala ko madali lang magpagulong, mahirap pala. Kailangan pala talagang mageffort. Tapos kelangan mabilis ka saka siguraduhing hindi ka lalagapas sa linya ng mga kaklase mo. Mas pahirap yung ikaw yung gugulungan. Tawa pa ako ng tawa kahit na nabibigatan ako. Hahaha. Sa katawan ko ba namang to diba? Nung isang beses pa inangat ko yung katawan ko habang nakadapa para hindi madiin masyado yung katawan ko sa sahig kaya lang nakalimutan kong lalaki pala yung gugulong kaya nung gumulong si Stephen napahampas yung katawan ko sa sahig. OUCH! Lalo na nung si Lance na. Pumpikit na lang ako. Lumalawit na nga yung dila ko eh. Hahaha.

Kung isa ako sa mga nagreport ang gagawin kong variation ay patitiyahain ko naman ang mga nakahiga sa sahig. Hahaha.

Ang varsity ko para sa larong ito ay si Rona dahil madali lang para sa kanya ang magpagulong-gulong kasi mapayat lang siya. Kayang-kaya niyang dalhin ang sarili niya.

Kaya naman binibigyan ko ang larong ito ng Most Nakakaloko Award.

Pares Panyo


Ito ang Top 2 sa mga nagustuhan kong laro.

Sobrang napagod at natuwa ako sa larong ito. Sa lahat ng laro dito ako pinakapinagpawisan. Lalaki pa naman yung partner ko kaya parang natatangay tangay niya ako pag tumatakbo at nakikipagagawan kami. Minsan madali lang mang-agaw ng panyo. Kasi pag masyadong abala yung iba sa iisang lugar lang, dun kami pumupunta sa kalat yung tao kaya magugulat na lang sila nakuha na namin yung panyo nila. Minsan sobrang hihigpit naman nung mga hawak ng mga tao na parang buhay nila ang nakasalalay. Hahaha.

Hinding hindi ko talaga makakalimutan si Rod at yung isa ko pang kaklase dahil sa ginawa nilang panghihila sa panyo ko. Sinabit ko kasi sa belt loop ko yung panyo ko saka ko hinawakan kaya mahirap talaga kunin unless sirain yung belt loop ko. At mukhang yun yung gustong gawin ni Rod nung mga time na yun. Hahaha. Hinahampas-hampas ko na nga siya nung mga time na yun. Pakiramdam ko lumuwag ng ilang inches yung pantalon ko simula nung time na yun. Pero kahit na ganun sobrang saya ko din.

Kung magbibigay ako ng variations sa harap ko naman ipapalagay yung panyo para mas maalangan yung mga nangunguha ng panyo.

At siyempre sa kinilos ni Rod sakin mukhang gusto niyang maging varsity kaya binbigay ko na sa kanya ang award na yun. Hahahaha.

Ang ibibigay kong award dito Brutal si Rod Award. Hahaha.

Ikutang Dala-dalawa


Ang Top 3 sa listahan ko ay ang Ikutang Dala-dalawa.

Medyo pamilyar na rin ako sa larong ito pero ang pinagkaiba nga lang ay isang pares lang ang naglalaro at ang tawag namin dito ay "Cat and Mouse". Dati hindi ko masyadong gusto ang larong ito dahil kadalasan ay konti lang kaming naglalaro kaya maliit lang yung bilog na iikutan. Kaya nung nilaro ko ito talagang naaliw ako. Hindi lang kasi siya paunahan, kailangan may lakas ka din na pigilan o makaalis sa pumipigil sayo, at marunong kayong dumiskarte ng partner mo.

Masasabi kong sobrang nakakahyper talaga siya kasi sobrang unpredictable niya.
Hindi mo alam kung kelan kayo yung pipiliin nung taya kaya dapat lagi kayong handa. Dapat din aware ka kung sang direksyon pupunta yung taya dahil yun yung basehan kung san din kayo pupunta. Medyo nagulat din ako nung si Mic yung nakalaban ko. Talagang hinihila niya yung damit ko pwede namang sa katawan na lang. Masisira pa yung damit ko. Hahaha.

Nakatutuwang makita na kahit na simpleng laro lang yun, napansin kong yung mga kaklase ko sobrang alerto pa rin sila. Aakalain mong hindi nila pinapakiramdaman kung sino yung pipiliin nung taya na tayain pero hindi. Nakikita ko sa mga mata nila na handa sila.

Ang ibibigay kong variation dito kung sakali ay gagawin kong isa-isa lang yung taya at tatayain para maalis yung pagdepende nung bawat isa sa isa pa. Para matuto silang dumiskarte mag-isa.

Ang mga varsities ko sa larong ito ay sina Rona at yung partner niya dahil sila yung unang grupo na nakaisip na magstrategize. Kunwari ay papunta sila sa isang direksyon pagkatapos ay bumalik sila kaya nahirapan yung kalaban nilang malaman kung san dapat pumunta.

Kaya naman binibigyan ko ang larong ito ng Kelangan ng Diskarte Award.

Patintero



Ang Top 4 na nagustuhan kong laro ay ang Patintero.

Nilagay ko ito sa pang-apat na pwesto lang dahil masyado na siya common para sa akin. Ngunit hindi pa rin maaalis na isa talaga ito sa mga pinakapaborito ko noon pa man. Natatandaan ko tuloy yung panahon na nilalaro namin to sa grounds ng school namin ng mga kaklase ko. Kaya naman tuwang-tuwa ako ng nalaman ko na lalaruin namin yun.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ako masyadong gumaling sa larong ito. Dati naman lagi akong naglalaro nito. Siguro dahil mas malaki yung playing area saka mas marami kami. Pero kahit na ganun sobrang nagenjoy ako. Kahit isa o dalawa nakataya ako. Nung turn na namin para maglaro sobrang nagulat ako kay Peter dahil para siyang kabuteng bigla na lang sumulpot hindi pa man ako nakakausad. Talagang napatili ako dahil hindi ko naisip na tatayain niya ako. Siguro sa sobrang excited hindi ko na napansin yung patotot. Umusad ng umusad ang laro nang siya at siya pa rin ang tumataya sakin. Ni hindi ako makalagpas sa pangalawang box. Excited na akong ituloy tong laro namen sa Tuesday nang makabawi ako. Lalayo na talaga ako kay Peter.

Napansin ko sa iba kong mga kaklase na parang hindi sila sanay maglaro ng Patintero. May iba naman na parang araw-araw ginagawa yun katulad ni Peter ulet. Siyempre. Pero ang importante lahat kami masaya. Tuwing may matataya magtatawanan lang kami.

Kung ako ang masusunod ang gagawin kong variation ay babawasan ko ang mga nananaya, linya, at dami nang naglalaro para naman maexperience naman namin makarating sa dulo.

Sino kaya ang varsity ko sa larong ito?

Malamang si Peter. Eh mukhang part-time ni Peter ang maglaro ng patintero pag gabi. Hahaha. Ang hahaba din ng mga galamay niya na parang pinaglihi siya sa pugita. Nakakatakot tuloy magtangkang dumaan malapit sa kanya dahil baka any moment tayain ka niya. Mas mabuti pang tumira sa loob nung box.

Bibigyan ko ng Game ni Peter Special Awards ang larong ito. Hindi ko talaga makakalimutan ang game na to dahil sa kanya. :)









Buwal Pari


Ang Top 5 na paborito kong laro ay ang Buwal Pari.

Memorable at nakakatawa siya para sa akin dahil noong una na nagsastrategize pa lang sila kung anong magandang paraan para manalo kami ay hindi talaga ako nakikisali. Oo na lang ako ng oo sa kung anong sabihin nila. Basta ang importante sakin mabuhat kahit sino man yung kelangang buhatin.

Noong una ay petiks lang kasi kaming mga babae naman ang binubuhat ng mga lalaki. Parang props lang kami at sila lang ang naglalaro. Nagpatuloy nang nagpatuloy ang laro nang hindi ko namamalayang kailangan ko na palang magbuhat at nagulat akong mabigat pala si France. Sa gulat ko ay napapigtal pa ang hawak ko sa kaklase ko. Sorry ako ng sorry sa kanya dahil napaupo siya sa sahig dahil dun.

Dalawa o tatlong beses na kailangan ko ulit magbuhat at pare-pareho pa ring muntik muntik ko na silang mabitawan. Tuwing malapit na akong magbuhat ay kinakabahan na ako. Kapag nakarating na ako sa kabilang dulo ay itutulak na naman nila ako para magbuhat na naman. Natatawa na lang ako at buhat na lang ng buhat kahit masakit na sa braso.

Napansin kong masaya naman ang mga kaklase ko sa laro katulad ko. Mga ganitong klaseng laro na may paunahan at kinakailanganan ng lakas ang nakakapagpainteres sa kanila sa laro. Nakakainggit nga lang ang mga kaklase kong lalaki dahil parang walang kaeffort effort lang sila kung magbuhat. Nakakatawa yung kabilang grupo dahil mukhang hindi ata sila nakapagstrategize masyado kaya pagdating sa dulo mga babae ang bumubuhat sa mga lalaki.

Kung kabilang ako sa mga reporters ang gagawin kong variation ay bago maglakad papuntang kabilang dulo ang mga nagbubuhat ay kailangan muna nilang umikot ng limang beses upang makadagdag sa hirap nilang makarating sa dulo.

Para sa akin ang varsity sa larong ito ay si Lance dahil kahit petiks na siya nung huli dahil siya yung hindi na kailangang magbuhat sa laro dahil sa variation ay siya naman ang pinakamalakas samin dahil malaki siya at kayang-kaya niyang magbuhat ng mabibigat.

Bibigyan ko ang larong ito ng Feminine Power Award dahil umangat ang kakayahan naming mga babae na makipagsabayan sa pagbubuhat ng mabibigat na karaniwang ginagawa lang ng mga lalake. Kahit mga babae binubuhat ang mga lalake.