Saturday, September 25, 2010

Ikutang Dala-dalawa


Ang Top 3 sa listahan ko ay ang Ikutang Dala-dalawa.

Medyo pamilyar na rin ako sa larong ito pero ang pinagkaiba nga lang ay isang pares lang ang naglalaro at ang tawag namin dito ay "Cat and Mouse". Dati hindi ko masyadong gusto ang larong ito dahil kadalasan ay konti lang kaming naglalaro kaya maliit lang yung bilog na iikutan. Kaya nung nilaro ko ito talagang naaliw ako. Hindi lang kasi siya paunahan, kailangan may lakas ka din na pigilan o makaalis sa pumipigil sayo, at marunong kayong dumiskarte ng partner mo.

Masasabi kong sobrang nakakahyper talaga siya kasi sobrang unpredictable niya.
Hindi mo alam kung kelan kayo yung pipiliin nung taya kaya dapat lagi kayong handa. Dapat din aware ka kung sang direksyon pupunta yung taya dahil yun yung basehan kung san din kayo pupunta. Medyo nagulat din ako nung si Mic yung nakalaban ko. Talagang hinihila niya yung damit ko pwede namang sa katawan na lang. Masisira pa yung damit ko. Hahaha.

Nakatutuwang makita na kahit na simpleng laro lang yun, napansin kong yung mga kaklase ko sobrang alerto pa rin sila. Aakalain mong hindi nila pinapakiramdaman kung sino yung pipiliin nung taya na tayain pero hindi. Nakikita ko sa mga mata nila na handa sila.

Ang ibibigay kong variation dito kung sakali ay gagawin kong isa-isa lang yung taya at tatayain para maalis yung pagdepende nung bawat isa sa isa pa. Para matuto silang dumiskarte mag-isa.

Ang mga varsities ko sa larong ito ay sina Rona at yung partner niya dahil sila yung unang grupo na nakaisip na magstrategize. Kunwari ay papunta sila sa isang direksyon pagkatapos ay bumalik sila kaya nahirapan yung kalaban nilang malaman kung san dapat pumunta.

Kaya naman binibigyan ko ang larong ito ng Kelangan ng Diskarte Award.

No comments:

Post a Comment