Buwal Pari

Ang Top 5 na paborito kong laro ay ang Buwal Pari.
Memorable at nakakatawa siya para sa akin dahil noong una na nagsastrategize pa lang sila kung anong magandang paraan para manalo kami ay hindi talaga ako nakikisali. Oo na lang ako ng oo sa kung anong sabihin nila. Basta ang importante sakin mabuhat kahit sino man yung kelangang buhatin.
Noong una ay petiks lang kasi kaming mga babae naman ang binubuhat ng mga lalaki. Parang props lang kami at sila lang ang naglalaro. Nagpatuloy nang nagpatuloy ang laro nang hindi ko namamalayang kailangan ko na palang magbuhat at nagulat akong mabigat pala si France. Sa gulat ko ay napapigtal pa ang hawak ko sa kaklase ko. Sorry ako ng sorry sa kanya dahil napaupo siya sa sahig dahil dun.
Dalawa o tatlong beses na kailangan ko ulit magbuhat at pare-pareho pa ring muntik muntik ko na silang mabitawan. Tuwing malapit na akong magbuhat ay kinakabahan na ako. Kapag nakarating na ako sa kabilang dulo ay itutulak na naman nila ako para magbuhat na naman. Natatawa na lang ako at buhat na lang ng buhat kahit masakit na sa braso.
Napansin kong masaya naman ang mga kaklase ko sa laro katulad ko. Mga ganitong klaseng laro na may paunahan at kinakailanganan ng lakas ang nakakapagpainteres sa kanila sa laro. Nakakainggit nga lang ang mga kaklase kong lalaki dahil parang walang kaeffort effort lang sila kung magbuhat. Nakakatawa yung kabilang grupo dahil mukhang hindi ata sila nakapagstrategize masyado kaya pagdating sa dulo mga babae ang bumubuhat sa mga lalaki.
Kung kabilang ako sa mga reporters ang gagawin kong variation ay bago maglakad papuntang kabilang dulo ang mga nagbubuhat ay kailangan muna nilang umikot ng limang beses upang makadagdag sa hirap nilang makarating sa dulo.
Para sa akin ang varsity sa larong ito ay si Lance dahil kahit petiks na siya nung huli dahil siya yung hindi na kailangang magbuhat sa laro dahil sa variation ay siya naman ang pinakamalakas samin dahil malaki siya at kayang-kaya niyang magbuhat ng mabibigat.
Bibigyan ko ang larong ito ng Feminine Power Award dahil umangat ang kakayahan naming mga babae na makipagsabayan sa pagbubuhat ng mabibigat na karaniwang ginagawa lang ng mga lalake. Kahit mga babae binubuhat ang mga lalake.
No comments:
Post a Comment